Pedicab driver todas sa gang war

NILAGADERA ang buong katawan ng isang 22-anyos na binata, matapos itong makorner sa naganap na gang war sa Tondo, Manila Sabado ng madaling araw, Marso 12.

Kinilala ang biktimang si Richard Vejino, pedicab driver, ng 466 Area A gate 2 Parola Compound, Tondo.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Manila Police District habang nangangalap ng mga testigo para sa ikadarakip ng nakalabang grupo na matapos ang pananaksak ay nagpulasan na lang ang mga ito sa iba’t-ibang direksyon.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Michael Pavon kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, dakong 3:45 ng madaling araw nang sumiklab ang gang war sa kahabaan ng Parola Compound, matapos tumimbuwang ang biktima sa Pier 2 sa harapan ng Parola Health Center sa Tondo, sakop ng Brgy. 20 Zone 2 ng unang distrito ng lungsod.

Nabatid na nagkaroon ng rumble sa pagitan ng grupo ng biktima at ng mga suspek at namataan ng ilang kasamahan nang habulin si Vejino sa lugar at nang makorner at inundayan ng ilang saksak ng patalim sa katawan kaya’t nagmistula itong lagadera saka iniwan nang bumulagta.  Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply