Pekeng PCG auxillary ibinabala

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga local government unit (LGU) officials na mag-ingat sa mga tao na nagpapakilalang miyembro ng PCG Auxiliary (PCGA) at nagso-solicit ng donasyon para ipanustos sa Manila Bay clean-up program.

Batay sa ulat na iparating ni PCG spokesman Lieutenant Commander Arman Balilo, balak umanong gamitin ng PCG ang PCGA sa proyekto nilang Manila Bay Clean-up, pero nangangamba sila na magamit ang proyekto ng ilang mapagsamantalang indibidiuwal para makahingi ng donasyon.

“There might be bogus PCGA members who might ask for donations using the name of the organization and ask contributions from the LGU officials,” ayon kay Balilo.

Iminungkahi ni Balilo sa mga lokal na opisyal na kung sakaling may lumapit at nagpakilalang miyembro ng PCGA, mas makabubuting beripikahin muna sa tanggapan ng PCG para matiyak kung awtorisado silang humingi ng donasyon.

Nauna nang sinabi ni Balilo na hihingin nila ang tulong ng PCGA, kung saan karamihan sa kanila ay mga negosyante para lumahok sa kanilang Manila Bay Clean-up campaign at ang nasabing Auxilliary ay isang civilian support Group ng PCG. Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply