Pekeng produkto ng Guess, kumpiskado

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga stall sa sa Tondo at sa Binondo, Manila, na kung saan ay umabot sa halagang P14 million ang mga pekeng produktong Guess, iniulat ngayon, Linggo, Marso 27.

Ilan sa mga kabilang na sinalakay na stalls ay sa Tutuban Cluster Mall sa C.M. Recto Ave., sakop ng Tondo; Geraldine Valasa Enterprises, at stall sa J-17, I-4 Tutuban CB2 Mall, C.M. Recto Ave., sa nabanggit din na lugar.

Base sa report na natanggap ni NBI Director Magtanggol Gatdula, sa NBI-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD), ang isinagawang pagsalakay ay bunsod ng reklamo ng awtorisadong nagdadala ng produktong Guess sa bansa.

Dahil dito, ikinasa na ang search warrants na inilabas ni Judge Antonio Eugenio Jr., ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24, kaya isinagawa ang nasabing pagsalakay.

Sa puntong ito, nakakumpiska ng 7,345 pares ng mag produkto ng “Guess” trademark, na kung saan tinatayang umabot ito sa P14-milyong halaga.

Ang mga may-ari ng nasabing stalls ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply