PH golfers naungusan ng Thailand

NASUNGKIT ng Thailand ang three-shot lead laban sa Philippine boys team sa mahalagang third round sa The Montecillo Junior Golf Team Championships sa Mount Malarayat Golf and Country Club sa Lipa City.

Sina Rattanon Wannasrichan at Natipong Srithong ay humakot ng 73 each habang si Sompard Rattanasuwan ay nagdagdag ng 74 para sa team dahilan upang malikom ang 220 for 657.

Papalapit na ang event sa final round ng tournament na isinusulong ng Junior Golf Foundation of the Philippines (JGFP).

Samantala, si Jobim Carlos, ang pinaka-consistent player sa PHL Team A, ay nakadale lamang ng 74 dahil sa mahanging panahon.

Si Asian Tour pro-bound Miguel Tabuena naman ay nagkasya sa 75 habang si Clyde Mondilla ay nag-ambag ng 76 for 225 at agad silang nadupilas nang makuha ng kalaban ang lead.

Kasabay nito, si Gio Gandionco na nakadale ng 78 ay minalas dahil hindi ito sapat sa four-to-play, three-to-count format.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply