PH, Indonesia nagkaisang sugpuin ang terorismo

NAGKAISA ang mga bansang Pilipinas at Indonesia na palakasin ang ugnayan sa pagitan nila lalo na sa pakay na pagsawata sa terorismo sa rehiyon.

Napagkasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III at Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia na isa sa gagawing hakbang ay ang paghihiwalay sa mga militante at ang paghihigpit sa paglipat ng mga ito sa ibang rehiyon.

Ayon sa mga lider, ang pag-eensayong naisagawa ng mga Army troops at ang pagpapalitan ng impormasyon ukol sa galaw ng mga terorista ay ilan sa malalaking hakbang upang maiwasan ang terorismo.

Giit naman ni Yudhoyono na dapat walang ligtas na lugar para sa mga terorista.

Kung ang panukalang hakbang ay maisakatuparan, tiwala ito na mas mapapatibay at magiging epektibo ang paglaban sa terorismo.

Nangako rin ang dalawang panig na paiigtingin ang gagawing border patrol ng dalawang bansa upang maiwasan ang pagtawid sa karagatan ng mga terorista.

Ayon sa pulisya, ang teroristang grupong al-Qaeda, na may mga galamay sa Southeast Asia, ay ginagamit ang Pilipinas bilang base para magsanay, ang Indonesia sa operasyon at ang Malaysia ang base nito para sa mga pang-pinansyal na operasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply