PH wala pang travel advisory laban sa Japan

WALA pang dahilan para magpalabas ang Pilipinas ng travel advisory laban sa Japan dahil sa nagaganap na nuclear crisis doon.

Nilinaw ni Communications Secretary Ricky Carandang, nasa normal naman ang malaking bahagi ng Japan at hindi apektado ang karamihang lugar doon ng nuclear radiation dahil sa napinsalang Fukushima Daiichi nuclear plant sa Fekushima Prefecture.

Ani Carandang, nakadepende sa sitwasyon ang pagpapalabas ng travel advisory at aniya ay hindi p[a kailangan sa ngayon.

Pinaalalahanan lamang ng pamahalaan ang mga Filipino na iwasan ang mga lugar na apektado ng nuclear radiation.

Kaugnay nito, matatandaang nagpalabas na ng travel advisory ang mga sumusunod na bansa: Great Britain, France, Germany, Italy, Netherlands, New Zealand at United States of America. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply