Phil Open 10-ball: Battle of the Best

SASARGO na ang Philippine Open Pool Championships simula Abril 7 hanggang Abril 11 sa SM Megamall tampok ang labanan ng pinakamagagaling na bilyarista na manggagaling pa sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ang kasalukuyang world champions – 3 sa men at 2 sa women – ay nagbigay na ng kumpirmasyon na lumahok ayon kay Butch Argonza, press officer ng Raya sports.

Masisilayan na si Dennis Orcullo, ang newly crowned world 8-ball champion; Mika Immonen, world 10-ball champion; at Francisco “Django” Bustamante, world 9-ball champion ang mangunguna sa 64 players sa men’s championship.

Sa women’s championship, dalawang reigning women’s champions na sina Jasmin Ouschan, world 10-ball champion; at Fu Xiao-Fang, world 9- ball  champion, ay nagbigay na din ng pagnanais na lumahok sa organizing Raya at Billiards & Snooker Congress of the Philippines (BSCP).

Ang lima ay magtutuos sa top honors kung saan kalahok din ang mga former world champions at national champions mula pa sa iba;t-ibang panig ng mundo.

Kabilang sa mga matitinik sa lalahok sa men’s competition ay sina Ralf Souquet ng Germany; Darren Appleton ng Great Britain; Shane van Boening ng United States; at Ronnie Alcano ng Philippines.

Masisilayan naman sa women’s division ay ang mga topnotch players gaya nina Ga Young Kim ng Korea, currently world no. 1 sa WPA rankings; at Kelly; at Allison Fisher ng Great Britain; at Karen Corr ng Ireland.

Ang Philippine Open ay organized at promoted ng Raya Sports, sa pakikipagtulungan ng BSCP ang NSA sa billiards. Ang AksyonTV 41, ang magsisihimpapawid sa bansa samantalang ang ESPN Star Sports naman ang mag eere ng international broadcast.

Para sa karagdagang detalye sa Philippine Open bumisita sa official website, http://rayasports.wordpress.com. Liberty Icao

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply