Philippine Red Cross tutulong sa Japan

MAGPAPADALA ng rescue team ang Philippine Red Cross sa Japan.

Nakatakdang ipadala ang may 100 katao ang PRC sa Japan upang makatulong sa search and rescue operations na isinasagawa sa nabanggit na bansa matapos tamaan ng monster quake na may lakas na 8.9 magnitude Biyernes ng hapon, Marso 11.

Ayon kay Gwendolyn Pang, secretary general ng PRC, kanilang ipadadala sa mga susunod na araw ang kanilang binuong rescue team upang makatulong sa bayan ng Honshu kung saan tumama ang lindol at tsunami.

Inihayag din ng PRC na inaasikaso na ang mga kinakailangang dokumento para makaalis ang naturang rescue team patungong Japan.

Ngayong Sabado, aalis ang may anim katao kabilang ang tatlong team member, isang eksperto sa psychosocial problems at dalawang dog handler kasama ang dalawang aso na tutulong sa search operation.

Sinabi ng PRC na magdadala ang kanilang team ng kagamitan na magagamit pangkumunikasyon at water treatment na inaasahang kakailanganin nila sa nasabing search and rescue operation. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply