PH medical team, tutulak sa Japan

PAPUNTA na ang medical team ng Pilipinas sa bansang Japan para makatulong sa rescue operation doon.

Tutulak ang 20 doktor at nars, ayon kay Dr. Carmensita Banatin ng Department of Health, Emergency Management Service. Ang pagpapadala ng medical team ay bunsod sa kahilingan ng National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC).

Magpapadala rin ng medical team ang Philippine Medical Association sa Japan. Kaya naman kaagad itong nagpatawag ng isang emergency na pagpupulong para ma-activate ang Emergency at Disaster Management Committee.

Naghahanda na rin ang Philippine National Red Cross ay ng kanilang team na ipapadala para tumulong sa mga nalindol sa bansang hapon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply