Phoenix Fuel bagong team sa PBA

TULUYANG makasasama sa regular na laro sa Philippine Basketball Association ang Phoenix Petroleum bilang regular na koponan kapag nakalusot ang aplikasyon nito.

Ang Phoenix Fuel na palagiang tagapagtaguyod ng mga out-of-town games sa loob ng tatlong taon ay napapabalitang binibili ang prankisa ng Barako Bull Energy Booster na pag-aari ni George Chua.

Ang Barako Bull ay nagpaalam na sa professional league matapos ang 11 taon na paglalaro sa PBA.

Mapagpapasiyahan ang resulta ng interes ng Phoenix Fuel sa pagpasok ng PBA sa itatakdang pulong ng PBA Board of Governors sa loob ng buwang kasalukuyan. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply