Pilipinas hindi umaangkat ng mga produkto sa lugar na may kontaminasyon sa Japan

PINAWI ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pangamba ng pagpasok ng pagkaing kontaminado ng radiation dahil hindi umano umaangkat ang Pilipinas ng mga produkto buhat sa mga lugar sa Japan na apektado ng nuclear leak.

Sinabi ni FDA Director Suzette Lazo na sa kanilang pag-imbentaryo, lumalabas na wala namang inaangkat na pagkain ang bansa mula sa apat na kritikal na lugar sa Japan.

Kabilang dito ang Gunma, Ibaraki, Tochigi at Fukushima Prefectures na pinangangambahang apektado ng radiation mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.

Aalamin din ng FDA mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang kautusan nito hinggil sa kanselasyon ng veterinary quarantine clearance para sa pagpasok sa bansa ng chocolate milk products mula sa Japan.

Sa ilang naglabasang ulat, nagkakaubusan na ang mga produkto buhat sa Japan na naangkat bago pa maganap ang “nuclear leak” sa ilang mga pamilihan sa bansa.

Patuloy naman ang pagsusuri ng FDA, Bureau of Customs at iba pang ahensya sa mga produkto na nangagaling sa Japan upang matiyak na walang kontaminasyon na makararating sa Pilipinas dahil sa tuloy na negosyo ng mga importers. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply