Pilipinas niyanig ng 6.4 magnitude na lindol

NIYANIG Linggo ng hapon, Marso 20, ng 6.4 magnitude earthquake ang hilagang Luzon na naramadaman hanggang sa Maynila ayon sa ulat na natangap ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa Camp Aguinaldo.

Kasunod nito ay agad na nagsagawa ng monitoring ang  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagdaluyong ng  tsunami sa hilagang dalamapasigan ng Pilipinas.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, Jr. naitala ang pagyanig dakong alas 4:26 ng hapon  at ang   epicenter ay  117 km northeast ng  Laoag City.

Base naman sa United States Geological Survey ay naitala sa kanilang instrument ang magnitude 6.0 na lindol sa bansa.

Nakaramdam ng intensity 5 na pagyanig sa Pasuquin, Ilocos Norte; intensity 4 sa Calayan Island; intensity 3 sa Basco sa Batanes, Sinait sa Ilocos Norte, Gonzaga at Calamiogan sa Cagayan at lungsod ng Maynila; at intensity 2 naman sa Baguio City. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply