Pilipino Cable Corporation kinasuhan ng TV5

NAGHAIN na ngayon ang TV5 ng letter of complaint sa National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay ng patuloy na pagtanggi ng Pilipino Cable Corporation na isama ang UHF Channel 41 sa Sky Cable channel line-up nito.

Kamakailan, noong ika-18 ng Pebrero 2011, sumulat ang TV5, sa pamamagitan ng Legal Department Head nito na si Atty. Christine Ona, sa Pilipino Cable Corporation para ipagbigay alam na magsisimula na ang broadcast ng AksyonTV (UHF Channel 41 sa free TV) ng Pebrero 21, 2011. Sa pamamagitan ng sulat na ito, nag-request ang TV5 sa Pilipino Cable Corporation para sa channel assignment ng nasabing free-to-air channel sa Sky Cable. Ang AksyonTV ay ang 24-hour news and sports channel ng TV5 sa UHF band.

Pero sa kabila ng nasabing letter-request para sa compliance ng Sky Cable sa “must carry” rule ng NTC na nag-uutos sa lahat ng cable operators na isama sa broadcast nila ang lahat ng free TV channels, hindi pa din dinidinig ng Pilipino Cable Corporation ang hiling ng TV5 na isama ang AksyonTV UHF Channel 41 sa channel line-up ng Sky Cable.

Sa letter-complaint na inihain ngayon sa NTC, binanggit ng TV5 ang “clear act of unfair trade competition” ng Pilipino Cable Corporation. Hiniling din ng TV5 na bigyan ng NTC ng sanction ang Pilipino Cable Corporation para sa “highly illegal acts” nito na “prejudicial” sa mga karapatan ng TV5. Tinatawagan ng TV5 ang NTC para imbestigahan ang bagay na ito at mag-impose ng karampatang penalty laban sa Pilipino Cable Corporation para sa diumano’y “unfair trade practice” nito.

Ang Pilipino Cable Corporation ay pag-aari at kontrolado ng ABS-CBN Broadcasting Corporation na competitor ng TV5 at AksyonTV. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply