Nagtampo sa biyenan tumalon sa footbridge

TODAS ang isang mister nang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa mataas na footbrige matapos damdamin ang bintang sa kanya ng biyenan na nagbenta ng kanilang gamit sa Caloocan City, Sabado, Marso 5.

Basag ang bungo at bali-bali ang mga buto ni Robert Relayo, 37, ng Bagong Barrio, ng nasabing lungsod, nang matagpuan sa lugar.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang pagpapakamatay ng biktima Sabado, 9:45 ng umaga sa footbridge sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa), Barangay Bagong Barrio.

Bago ang insidente, nabatid na nagkasagutan ang biktima at kanyang biyenan nang pagbintangan ng huli ang una na nagbenta ng nawawala nilang digital camera.

Dahil dito, dinamdam ng biktima ang sinabi ng biyenan kaya magdamag na naglasing saka nagtungo sa footbridge at tumalon.

Nagkagulo ang mga tambay sa lugar nang makitang nagkikisay na si Relayo hanggang tuluyang mamatay. Roger   Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply