Pinakamasama sa nukleyar blast ang paghandaan

NAGTATALO-TALO ang marami sa pagkalat ng teks meseyds na kumalat nitong nakaraang Lunes ukol sa sumasabog na plantang nukleyar sa Japan.

Mayroong nagsasabing masama ang ginawa nito dahil lumikha na ng takot sa marami sa radiation, napilitan pang gastusin ni Juan ang pambili nito ng bigas sa  kol en teks para lamang maikalat din ang mensahe.

Yung iba naman ay nagpapasalamat dahil lumikha ito ng aktibong kaisipan kung paano haharapin kahit sa maliit na paraan ang nakasasakit at nakamamatay na radiation.

oOo

Paano nga ba natin haharapin ang problemang nukleyar na nagaganap sa Japan?
Tingnan natin ang ilang pangyayari, Suki.

Dumarami ang mga sakang na umaalis sa Japan at ilan dito ang tumutungo sa repablik ni Juan at yung iba, eh, pumupunta sa iba pang bansa para lang makatakas sa kamatayan at pagkakasakit mula sa plantang nukleyar.

Iniaanunsyo naman ng mga opisyal sa Japan na seryoso na ang pagsabog at maaaring aabot sa $180 bilyon ang magiging pinsala nila, bukod sa maramihang paglilikas ng kanilang mga mamamayan palayo nang palayo mula sa mga planta.

Nagdududa naman ang maraming bansa sa mga ibinabalita ng mga opisyal ng Japan sa katotohanan ng kanilang sumasabog na planta. Baka naman sumabog na umano ang nukleyar na gatong ng kanilang planta pero pilit na itinatago ito sa publiko.

oOo

Siguro, ang pinakamasamang sitwasyon ang dapat nating paghandaan, kabilang dito ang nilalaman ng teks.

Alalahanin na hindi na lang hangin na may lason ang problema kundi pati ang agos ng karagatan mula sa Japan at made in Japan na mga produkto.

Magtulungan tayo laban sa radiation. Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply