Pinas buhay pa sa Davis Cup

CEBU CITY – Binokya ng kombinasyon nina Cecil Mamiit at Treat Huey ang Japanese duo na sina Hiroki Kondo at Takaw Suzuki, 6-1, 7-6 (5), 6-2, para mapanatiling buhay ang pag-asa ng Pilipinas sa Davis Cup Asia Oceania Group I tie Sabado, Marso 5, sa Plantation Bay Resort and Spa.

Sisikapin nina Mamiit at Huey na ibigay sa bansa ang unang panalo sa huling apat na engkuwentro laban sa Japan sa kanilang pagsabak ngayon sa reverse singles.

Haharapin ni Mamiit si Go Saeda habang susubukan naman ni Huey si Tatsumi Ito.

Angat pa rin ang Japan, 2-1, matapos walisin ang dalawang singles matches sa unang araw ng laban.

“We started out strong. I have never been known for being a strong starter but Treat is. We were returning very well from the start so it helped,” ani Mamiit.

Nasorpersa ang mga Hapon sa ipinakitang tikas ng mga Pinoy.

“We expected to win today. But nothing comes easy,” sabi ni Japan team captain Eiji Takeuchi.

Ganado na ngayon ang mga Pinoy dahil na rin sa kanilang pinagdaanan sa laban nila sa Korea.

“This is almost replaying what we had in Korea where we lost the first two singles and I played and lost in five sets and then won the doubles match in straight sets. We won that tie but the only thing we regretted was the fact that we were the only ones who experienced it,” salaysay ni Mamiit.

Maaari nila itong ulitin sa harap naman ngayon ng mga kababayan.

“I believe in this team. I am not doing it alone. They push me, I push them. We have always pushed each other. The momentum is on our side and we have to keep it going,” dagdag pa ni Mamiit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply