Pinas FMD-free na

IDINEKLARA Huwebes, Marso 17, ni Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala na wala na ang kinatatakutang foot-and-mouth disease (FMD) sa bansa.

Matatandaang nagbabala ang World Organization for Animal Health na isa ang Pilipinas ang pinamumugaran ng FMD disease o pagsusugat at pagnanaknak ng mga paa at bibig ng baboy, kalabaw at baka.

Dahil FMD-free na nga ang bansa, mas magiging malaki ang oportunidad ng bansa na makasabay sa global meat market, partikular sa pag-export ng mga karne ng baboy at manok.

Isa umano ang South Korea sa tinatarget ng Pilipinas na pag-exportan ng karne dahil sa pagkakaroon nito ng FMD outbreak. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply