Pinas ligtas sa radiation dahil sa LPA

POSIBLENG mailigtas ang Pilipinas sa radiation makaraang isang low-pressure area (LPA) malapit sa bansang Japan ang mamataan , Lunes ng umaga, Marso 21.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather bureau chief Robert Sawi, papunta na rin sa eastward ang hangin mula sa Japan, palayo sa Pilipinas.

“Ang high-pressure area at low-pressure area na dumadaan sa nasabing lugar, yan ang pinaka-savior natin. Sa ngayon may dumadaan na low-pressure area sa Japan. So most likely yan ang magdadala ng hangin papalayo sa ating bansa,” ayon pa kay Sawi sa isang panayam sa dwIZ.

Naging matindi ang pangambang makaabot ssa bansa ang radiation galing sa Fukushima Daiichi nuclear power plant sa Japan makaraang masalanta ito ng magnitude-9 quake at tsunami.

Ayon pa kay Sawi, maliit ang tsansang makaabot sa bansa ang radiation.

Sinabi pa nito na ang hangin na may dala ng radiation ay papunta sa Pacific, partikular sa Russia at sa west coast ng United States.

“Talagang pinanindigan pa rin natin ang una nating pronouncement napakaliit ng chance mapunta sa atin ang fallout na yan … Base sa ating monitoring dahil sa PAGASA, hangin ang ating mino-monitor, ang hangin ay papunta sa Pacific at medyo palayo sa atin ang nasabing radiation effect,” dagdag pa ni Sawi.

“In case may bagyo mabubuo sa Pacific, still papalayo ito. Napakalayo ng Japan sa ating lugar ,” ayon pa rito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply