Pinas malulugi sa uuwing OFWs

TULUYANG mababangkarote ang administrasyong Aquino kapag pinalikas at pinauwi ang lahat ng overseas Filipino workers sa mga bansang  Japan, Libya, Yemen at Bahrain.

Ito ang tuwirang sinabi sa pagdinig ng  House committee on overseas worker’s affairs ni Michael Macaraig kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“All of us are trained to assist OFWs whether it is right or wrong, we are supposed to help them. But how can we do our jobs when things are purely based on budget? If we only have P480 million to repatriate 15,000 (stranded) Filipinos, the Philippines would go bankrupt,” ayon kay Macaraig.

Iminungkahi pa ni Macaraig  na dapat maging handa ang Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa contingency plan sa paglikas sa mga OFW.

Sinabi rin ni Foreign Affairs Assistant Sec. Virgilio Reyes na dapat pondohan ng gobyerno ang paglilikas sa may 1.8 milyon Pinoy sa mga bansang nasa North African kasunod ng kaguluhan sa Libya, Egypt, Tunisia, Bahrain, at Yemen.

Subalit nangako naman si Carmelita Dimzon, administrator ng Overseas Workers’ Welfare Affairs (OWWA), na ibabalik nito ang mga nagastos ng mga OFW. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply