Pinatapang na Beer kontra B-Bolts

MAY Panibagong puwersa ang San Miguel Beermen laban sa nagkukumahog na Meralco Bolts sa double-header Biyernes ng gabi, Marso 4, sa Araneta Coliseum.

Pasisiglahin ang tropa ni coach Ato Agustin sa pagpasok ng mga top draftees sa huling PBA annual draft na kinabibilangan nina No.1 Nonoy Baclao, No. 2 na si Rabeh Al Hussaini at Rey Guevarra sa isang blockbuster trade sa PBA.

Ang tatlong malalaking rookies na mula sa Air21 Express ay makakapalit nina Danny Seigle, Dorian Pena, Paul Artadi at shooter na si Dondon Hontiveros na pawang mga batikang player ng SMB franchise.

Masusubukan ang mga bagong dekalidad na players ng SMB laban sa B-Bolts alas 5:00 ng hapon.
Sa kasunod na laro patutunayan ng Smart-Gilas Pilipinas na hindi tsamba ang panalo nila sa Tropang Texters, 103-98 noong Pebrero 25 sa pagsubok nila kontra Alaska Aces na may dalawang panalo laban sa Powerade Tigers at sa crowd-favorite Ginebra Gin Kings. Radito Torres

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply