Pinauuwing OFWs sinisingil pa

HINDI na dapat naniningil ang Overseas Workers Welfare Administration dahil may nakalaang 100 milyong pisong pondo ang mga ito para sa repatriation ng mga overseas Filipino workers.

Ito ang inihayag ni Senadora Loren Legarda kahapon kaugnay sa napaulat na naniningil ng air fare ang mga taga-OWWA sa mga pinauuwing OFW sa abroad.

“They should not do that because OWWA has P100 million allotted funds for the repatriation of these stranded OFWs. OWWA should do something about this,” ang pahayag ng senadora.

Nauna nang ibinunyag ng grupong Migrante na naniningil umano ang dalawang OWWA employees ng 1,200 hanggang 2,000 riyals sa mga na-stranded na OFWs sa deportation center sa Riyadh para sa kanilang air fare tickets pabalik sa Pilipinas.

Samantala, pinaiimbestigahan rin ni Senador Jinggoy Estrada sa OWWA ang dalawang empleyado nito na umano’y naniningil sa mga stranded na OFWs sa Jedda na naghihintay ng kanilang biyahe pabalik ng Pilipinas.

Ayon kay Senator Estrada, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resource development, dapat umanong tanggalin agad sa kanilang trabaho ang dalawang empleyado kapag napatunayan ang alegasyon laban sa mga ito. Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply