Pinay golfers kinapos sa Koreans

HINDI kinayang habulin ng Philippine ladies team ang champion South Korea sa 33rd Queen Sirikit Cup sa Delhi Golf Club course sa New Delhi, India kung saan four strokes ang kanilang hinahabol.

Si Dottie Ardina ay nakadale lamang ng two-under-par 70, habang si Chihiro Ikeda ay naka- one-under-par 71 para kanain ang 141 for 429 sa 54-hole tournament na mas kilalang Asia-Pacific Ladies Invitational Golf Team Championship.

Ang Koreans naman ay nakalikom ng 143, sa pangunguna ng 69 nina national champion Ji Hee-kim at 74 ni Hyo Joo-kim, para magkasya na sa 425 haul.

Ayon kay National coach Bong Lopez, maganda man ang ipinakita ng kanyang mga alaga ay hindi pa rin ito sapat para makahabol.
“The girls played very good today (Friday), in spite of the pressure playing with the Koreans. They held their ground despite the odds,” dagdag pa ni Lopez. Gilbert Perdes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply