Ping, PNoy nagkita na sa Malacañang

NAGKITA na sa Malacañang sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Pangulong Noynoy Aquino.

Nagtungo sa Palasyo ang senador, apat na araw matapos lumutang mula sa 13 buwan na pagtatago dahil sa pagkakasangkot sa kasong Dacer-Corbito double murder.

Liban sa kumustahan, kinompirma ni Aquino na ikinuwento sa kanya ni Lacson ang pinagdaanan nito habang nagtatago.

Kung maaalala ipinaggitgitan ni Lacson na walang kinalaman ang administrasyon sa kanyang kalayaan kasunod ng pagkakabasura ng kaso laban sa kanya.

Iginiit na rin ng mambabatas na sa katunayan sumama ang kanyang loob sa balitang tinutulungan siya ng administrasyon samantalang hindi raw nito naramdaman habang siya ay naghihirap sa pagtatago sa batas.

Pero wala umano siyang sama ng loob kay Pangulong Noynoy at ang hinihingi lamang niya ay parehas na hustisya at walang special favor.

Hindi rin umano siya kaalyado ng administrasyon sa dahilang hanggang sa ngayon ay kinukwestyon ng DoJ ang pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa kanyang kaso. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply