Pinoy bagsak sa Thai

MATAGUMPAY na nasungkit ni WBC No. 28 superfly Yodchanchai Nakornluang  (7-2, 6 KOs ) ang bakanteng ABCO bantam title Sabado, Marso 5 matapos umani ng second round TKO win laban kay Pinoy pug at ABCO No. 3 Edwin Tumbaga (11-17-5, 6 KOs) sa kanilang sagupaan sa Prasamutjaedee sa Samutprakan, Thailand.

Nagpakita ng bagsik si Tumbaga sa unang bugso ng laban kung saan nakatama pa ito ng malalakas na kanang suntok.

Halos pabagsak na ang Thai pug sa bakbakan nila sa opening round ngunit mabilis itong nakabawi at nagpalapat ng mga sapak sa katawan ng Pinoy.

Dito na pinaspasan ng bagong kampeon ang atake kay Tumbaga hanggang sa sumuko na ang Pinoy slugger. Gilbert Perdes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply