Pinoy cue artists naubos sa 2011 Masters 10-ball Championship

TULUYAN ng naubos ang mga pambato ng Pilipinas sa 2011 Masters 10-Ball Championship matapos malasap ang ikalawang kabiguan sa double-elimination tournament sa Chesapeake Convention Center sa Chesapeake Virginia, USA.

Yumuko si Alex “The Lion” Pagulayan, ang 2004 World 9-Ball Champion at 2005 US Open 9-ball rule, kontra sa Amerikanong si Shawn Putnam, 8-6, habang si Kiamco, ang 2011 US Bar Table Event’s All-around winner, ay kinapos naman kontra sa isa pang Amerikano na si Rodney Morris, 8-4.

Ang Cabagan, Isabela native na si Pagulayan na nagtala muna ng dalawang magkasunod na panalo ay nakamit ang unang kabiguan kontra kay Morris, 8-4, sa third round ng winner’s bracket habang si Kiamco na pinagmamalaki naman ng Pasil, Cebu ay kinapos kay Dennis Hatch ng Estados Unidos, 8-2, sa second round ng winner’s bracket.

Nauna ng sinipa ni Pagulayan sa kanilang do-or-die match ang kababayang si Jundel Mazon, 8-6. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply