Pinoy experts hinaras ng Chinese patrollers: Emisaryo ipapadala ni PNoy sa China

MAGPAPADALA ng emisaryo ang Pilipinas sa China upang ihayag ang posisyon ng pamahalaan sa naganap na harassment ng Chinese patrolers sa isang oil exploration vessel na binasbasan ng gobyerno para magsagawa ng pag-aaral sa Reed Bank, sakop ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, sa susunod na mga araw.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ramon Carandang.

Aniya, isang eskperto sa isyu ng Spatly Islands ang isusugo ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa naturang bansa.

“I think if he is going to China it will happen in the next few days. At siguro ipapaliwanag niya ang legal and technical basis kung bakit natin sinasabi wala silang karapatan na pumasok sa western Palawan,” ani Carandang.

Base sa mga naunang ulat, sinasabing ang eksperto ay si Atty. Henry Bensurto, ang Secretary-General ng Commission on Maritime and Ocean Affairs (CMOA), ang posibleng naatasan na ipahatid ang mensahe ng Malakanyang sa Chinese Officials kaugnay sa naganap na insidente malapit sa Palawan.

Nauna rito, nagsampa na ng diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas base na rin sa ulat na pananakot ng Navy patrol boat ng China sa naturang grupo na inatasan ng pamahalaan na magsagawa ng pag-aaral sa Reed Bank area.

“Hindi yan nangyari sa Spratlys, hindi yan nangyari sa contested area. Nangyari yan sa Reed Bank sa Western Palawan sa loob mismo ng teritoryo ng Pilipinas. Hindi ito kinu-question ng ibang bansa,” diin pa ni Carandang.

Ang Spratly Islands ay kasalukuyan din na pinag-aagawan ng mga karatig bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas at China, na katulad ng Reed Bank area ay parehong pinaniniwalaang mayroong deposito ng langis at natural gas sa ilalim ng karagatan.

Kasalukuyan namang na naka-deploy sa Reed Bank ang isang Coast Guard ship upang bantayan at siguruhin na hindi na mauulit ang naturang insidente at maipag-patuloy na ang naantalang pag-aaral sa lugar ng naturang oil exploration vessel ng Pilipinas. Axel Sam

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply