Pinoy organizations sa Japan katulong ng embahada ng Pilipinas

KATULONG ng Philippine embassy sa Japan ang mga Filipino organization upang malaman ang kalagayan ng mga Pinoy doon na naapektuhan ng 8.9 magnitude lindol at dambuhalang tsunami, Biyernes ng hapon, Marso 11.

Magandang balita na hanggang ngayon ay wala pang naiuulat na may nasaktan o namatay na Filipino sa nangyaring kalamidad.

Nananawagan ang embahada ng Pilipinas sa mga Pinoy sa Japan na magtungo sa pinakamalapit na fire station at city hall upang matulungan sila sa oras ng emergency.

Base sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 305,972 overseas Filipino workers (OFWs) sa Japan. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply