Pinoy pug Casimero KO sa African foe

KNOCKOUT ang inabot ni Filipino boxer Johnreil Casimero  kay Moruti Mthalane ng South Africa sa kanilang bakbakan kahapon para sa IBF flyweight title.

Nabigo ang Pinoy pug na agawin mula sa champion na si Mthalane ang titutlo dahil sa simula pa lang nang laban ay kitang kita na ang kalamangan ng African fighter.

Pinabagsak ng kampeon ang tubong-Ormoc na si Casimero sa 5th round ng kanilang laban na ginanap sa Nasrec Indoor Arena sa Johannesburg, South Africa.

Matatandaang tinalo ni Filipino champion Nonito Donaire, Jr., noon si Mthalane sa kanilang laban noong Nov. 1, 2008 sa Las Vegas.

Dahil sa pagkatalo itinipa ni Casimero ang kanyang pangalawang pagkatalo. Una nang natalo ang boksingero matapos itong mabigong idepensa ang kanyang Interim IBF flyweight title kay Mexican boxer Ramon Garcia.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply