Pinoy sa Yemen pinagbawalang lumabas dahil sa protesta

INABISUHAN ng Philippine officials ang mga Pinoy na nakabase sa bansang Yemen na manatili lamang sa kanilang tinitirhan ngayong weekend dahil sa posibleng pagsiklab ng kilos protesta na magsisimula sa Biyernes, Marso 25.

Nabatid na nagpadala ng advisory ang Philippine Embassy sa Sanaa sa mga Pinoy sa naturang bansa, nakikiusap na manatili lamang sa kanilang tahanan at huwag munang maglalabas partikular sa araw ng Sabado at Llinggo.

“The Embassy team sent an advisory by email and SMS to the Filipino community in Yemen through their area coordinators on Wednesday, advising them to stay at home over the weekend and restrict their movement,” ayon pa sa isang news release na inilahathala Huwebes ng umaga, Marso 24 sa website ng Department of Foreign Affairs.

Nabatid na nanghihikayat ang mga opposition group ng isang malawakang kilos-protesta upang magmartsa sa palasyo ni President Ali Abdullah Saleh sa Sanaa sa Biyernes upang ipanawagan ang pagbaba nito sa puwesto. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply