Pinoy workers sa Yemen ipinalilikas na rin

IPINAG-UTOS na ng Philippine government ang boluntaryong paglilikas sa mga Filipino sa Yemen dahil sa umiigting na kaguluhan sa nabanggit na bansa.

Sa pahayag ni Foreign Affairs Usec. Rafael Seguis, sinabi nito na itinaas na ng pamahalaan ang Alert Level 2 sa naturang rehiyon.

Paliwanag ng opisyal, sa ilalim umano ng ikalawang alarma, “restricted” na ang biyahe ng mga kababayan.

Pinayuhan din ng DFA ang mga Pinoy doon na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas para sa mga karagdagang abiso kung ano ang mga nararapat na gawin.

“We are urging the some 2,000 Filipinos in Yemen to restrict their movements to only those which are absolutely essential and also to voluntarily depart the country,” ani Usec. Seguis.

Nitong nakaraang linggo lamang, kumalas na rin ng suporta kay Yemeni President Ali Abdullah Saleh ang dalawa sa tinuturing na “most important tribes” sa Yemen, para sumama sa panawagan na magbitiw na rin ito sa puwesto.

Ayon sa report, nagpahayag na umano ng kanilang pag-suporta sa nangyayaring anti-government protests ang tribal leaders ng Hashids at Baqil.

Ang Hashids ay itinuturing na pinakamakapangyarihang tribu sa Yemen, kung saan kabilang dito ang siyam angkan na malaking bahagi ng supporters ng Saleh regime.

Si President Saleh ay mahigit 32 taon ng naka-upo sa puwesto. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply