Pinoys kailangang mag-iba ng lifestyle

PANAHON na upang palitan ng mga Filipino ang lifestyle para umasenso at makatipid sa enerhiya na makatutulong din para maligtas ang mundo sa banta ng climate change.

Sinabi ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na hindi kailangan ang mga advance technology para maging matagumpay na labanan ang climate change.

Kamakalawa ay naging matagumpay ang  Earth Hour 2011.

Kung nanaisin lamang umano ng mga Pinoy na manatiling nakikipaglaban sa climate change ay walang magiging problema.

Sa naging pag-aaral ng Department of Enery (DoE), napag-alaman na kung maiiwasan lamang ang pagsasayang ng enerhiya sa Pilipinas, partikular na ang suplay ng koryente ay mapupunan ang pangangailangan ng lahat ng Filipino sa nasabing aspeto.

Tinuran nito na kulang ang isang oras na obserbasyon kada taon para sa Earth Hour, dahil mas makabubuti aniya ang araw-araw na pagtitipid para mas maging epektibo ang kampanya laban sa pagkasira ng kalikasan. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply