Pinoys na malapit sa Fukushima ipinalilikas na

INIUTOS na ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ang paglikas sa mga Filipino na nasa Northern Japan, kinaroroonan ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant dahil sa pagsabog ng nuclear reactors nito, Martes ng umaga.

Pinayuhan na rin ni Philippine Ambassador to Japan Manolo Lopez ang mga Pinoy na nasa ilang bahagi ng Sendai na lumikas papunta sa South tulad ng Osaka area.

Ang mga opisyal naman ng embahada na kasalukuyang nasa Sendai ay pinababalik na muna ng Tokyo.

Samantala, sinabi ng ambasador na may mga Pinoy na ang nagpapaproseso ng kanilang dokumento upang makauwi ng Pilipinas dahil sa pangambang sumabog ang mga reactor dito.

Sa ngayon ay may 20 Pinoy na ang nagpatala sa Philippine Consular Office sa Tokyo para maisaayos ang kanilang pag-uwi. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply