Pinoys na nasa death row tututukan na ng Pinas

DAHIL walang nagawa ang pamahalaang Pilipinas sa kaso ng tatlong Pinoy na binitay sa China sa kasong drug trafficking, nangako ang Department of Justice (DoJ) na tututukan na nila ang kaso ng iba pang Pinoy na nakapila sa death row sa iba’t ibang bansa dahil sa kaso ng iligal na droga.

Ayon kay DOJ ACSP Severino Gana, pinuno ng task force on anti-illegal drugs at task force on human trafficking, huli na nang makarating sa kanila ang hinggil sa kaso nina Sally villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain dahil pinal na ang desisyon ng korte ng China kaya wala silang nagawa.

Ngayon ay inaalam na aniya nila ang estado ng kaso ng mga nasabing Pinoy tulad na lamang aniya ng dalawa pang Pinoy na nasa china na una nang naipagpaliban ang pagbitay.

Kaugnay nito, muling tiniyak ni Gana na iginagalang nila ang desisyon ng China dahil ito ay sakop na ng soberenya ng nasabing bansa. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply