Pinsan ng Presidente ng Afghanistan, pinatay

AKSIDENTENG napatay ang kamag-anak ni Afghan President Hamid Karzi ng mga NATO forces.

Napagkamalang isang rebelde ang biktimang si Yar Muhammad Khan, pinsan ng Pangulong Karzi. Nabaril siya malapit sa kanyang bahay sa Dand district, Kandahar City.

”There were operations taking place near his house. He was killed by mistake. He was not a target,” pahayag ni Ahmad Wali Karzai, ang kapatid ng presidente.

Nitong mga nakaraang araw ay binanatan ni Karzai ang US-led forces hinggil sa pagkakapaslang sa siyam na batang lalaki sa lalawigan ng Kunar na nagdulot ng mga protesta sa lungsod ng Kabul.

Humingi na ng paumanhin sina US President Barack Obama, Gen. Petraeus, ang hepe ng lahat ng internation troops sa Afghanistan, at si US Defense
Secretary Robert Gates.

Si Khan ay tinatayang 60-65 taong gulang at isang magsasaka.

Nabatid na gabi naganap ang pamamaslang patungo ang biktima sa kanyang sinasaka. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply