Piolo hindi pa ipinakikilala nang pormal ni KC kay Gabby

GABBY CONCEPCION says KC has yet to formally introduce Piolo Pascual to him as her boyfriend

Marami ang nakakapansin na hindi visible ngayon sa mga show ng ABS-CBN si Gabby Concepcion.

Kung dati ay hindi siya nababakante sa paggawa ng mga teleserye mula nang bumalik sa Pilipinas, ngayon ay tila nawawala na sa limelight ang aktor.

Sa presscon ni Gabby para sa Sustagen Premium noong nakaraang linggo, tinanong siya ng reporters kung may offers ba siyang natatanggap mula sa ibang istasyon at kung mananatili pa rin ba siya sa Kapamilya network.

“May offers mula sa kabilang istasyon. But, right now, I’m definitely with ABS pa rin. Marami kaming naka-schedule na shows abroad, magko-concentrate muna ako sa mga yun,” sagot ng dating matinee idol.

Dagdag niya, “Hinihintay ko pa yung tamang project for a teleserye. Ayoko kasing magbigay sa audience ng project na walang ipinagkaiba sa mga ginawa ko last year. I have to be different ‘coz I owe it to them. Gusto ko maging interesting ang ibibigay ko sa kanila, gusto ko bago.

“Marami akong natatanggap na e-mails kung kailan kaya ako gagawa uli. Sa akin kasi, mahirap yung gumawa ng kung ano na lang. Katulad nung bago ako gumawa ng teleseryes, yung sa MMK [Maalaala Mo Kaya], tatlong scripts ang pinagpilian ko and it turned out na maganda naman.

“Nagpapasalamat ako sa ABS na magaganda ang mga ginagawa nilang mga teleseryes. At yung pool of writers and directors nila, magagaling talaga.”

Samantala, naging bukas na sa kanilang relasyon ang anak ni Gabby na KC Concepcion at ang matinee idol na si Piolo Pascual. Bilang isang ama, sinabi ni Gabby na boto siya kay Piolo para sa panganay na anak.

“I’m happy for them,” sambit ni Gabby. “Siyempre everybody deserves their level of happiness and I hope that happiness will stay forever or for a lifetime.

“Ganun naman talaga ang magulang, kung saan magiging masaya ang anak mo, dun ka. Basta nandito lang ako para suportahan ko silang dalawa.

“Basta ang sinasabi ko lang kay KC, she has to be ready with all the intrigues. Life is not a bed of roses, especially in show business. Maraming intriga, paghandaan niya yun.”

Ayon kay Gabby, hindi pa pormal na naipapakilala ni KC sa kanya si Piolo bilang boyfriend niya.

“Hindi pa. But now it’s out, ngayong inamin na nila, napag-uusapan na namin si Piolo noon pa.

“Saka okay naman siya. Mabait naman si Piolo. Wala naman akong masasabing masama sa kanya. Okay si Piolo para sa akin.”

On Sharon Cuneta, bagamat matagal na silang hiwalay ng dating asawa, hindi pa rin maiwasang tanungin si Gabby tungkol sa mga pangyayari o maging sa mga isyu na kinahaharap ng Megastar.

Isa na nga rito ang isyu ng aktres at ni Hayden Kho, Jr. dahil sa billboard ni Sharon para sa Marie France.

Aniya, “Oo, nakita ko nga yung billboard niya, ang laki ng difference. So, I’m very happy for her.

“Katulad nga ng sinabi ko nun, kung sinuman ang magdadala ng Biggest Loser dito sa Pilipinas, maganda na kung sinuman ang magho-host nun, dapat magandang example para sa mga sasali. Para masabi mo sa audience this is how I lose weight.”

Ano naman ang masasabi ni Gabby sa isyu kina Sharon at Hayden?

“Hindi ko alam ang issue na ‘yan kaya hindi ako makakapag-comment. Hindi ko sinusubaybayan ang mga intriga sa showbiz. Madalas ako sa beach, taong-dagat ako kaya ang alam ko lang ay mga isda. Puro isda lang ang nakikita ko kaya wala akong alam na tsismis!” natatawa niyang sabi. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply