PKF kay GTK pa rin

MANILA—BAGAMA’T may pag-aalinlangan sa legalidad, matagumpay na  naidaos ng Philippine Karatedo Federation (PKF) ang kanilang general assembly at executive council nitong Sabado kung saan nakuha muli ni Go Teng Kok ang ” fresh mandate” bilang pangulo ng nasabing asosasyon.

Si Go, pangulo rin ng Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) na nagdala ng medalya sa bansa noong 2009 Laos SEA Games ay nakatanggap ng ” fresh mandate” para pamunuan ang PKF matapos ang majority members ng general assemblyay naglagda ng resolution na nagpapatibay ng kanilang full “confidence” sa leadership ni Go na well-attended meeting sa Ambassador Hotel sa Manila bagama’t may order na ang Philippine Olympic Committee (POC) na hindi puwede kumuha ng dalawang posisyon bilang lider sa national sports associations.

““I am grateful to the members of the (PKF) board for their trust and confidence,” sabi ni Go. “I’m happy with the show of support by majority members of the PKF,” ani pa Go. “This will only prove that there is no any divisions in our association and only a minority group which is responsible for the nonsense disagreements.” sabi pa ni Go.

Fifteen out of 22 member sa powerful PKF council at 14 out of 19 member sa executive board ang lumagda para sa pag suporta nila kay Go sa isinagawang PKF general assembly at executive council meeting.

Ang 15 PKF member na umatend ay sina Greg Lacorte (Region 3), Nestor Asido (Region 4), Ray Mendoza (Region 10), Ernesto Tacay (Region 11), Jimmy Galez (Region 12), George Tuazon (Region 13), Salman Saad (ARMM), Hermie Pelgon (CAR), Edward John Ponce (NCR1), Erlando Metante (Style 1), Bob Joya (Style 2), Nickie Esmero (Style 3), Amado Lim (Other G), Mic Lia (AFP), at Junel Peranian (PNP).

Habnag ang 14 executive council na nasilayan din sa nasabing meeting ay sina Go (President), Edward John Ponce (General Secretary/VP NCR), Ruperto Torres (VP Luzon), Otto Antao (VP Mindanao), Erlano Metante (Style 1), Bob Joya (Style 2), Mickie Esmero (Style 3), Amado Lim (Other), Junel Perania (AFP/PNP), Lutche Metante (Athletics Commission), Avelino Nene (Technical Commission), Eduardo Ponce (Adviser 1) at Jose Manansala (Adviser 2).

Ang grupo naman ni POC spokesman Jose “Joey” Romasanta, ang break away PKF group ay hindi naka attend sa nasabing importanteng pagpupulong. Si Romasanta kamakailan ay nag resign sa kanyang posisyon bilang PKF deputy president matapos ang policy disagreements kay Go, ang long-time ally ni Jose “Peping” Cojuangco na na elected bilang POC president noong 2004.

Nitong Biyernes, nag rally ang national karatedo players na pinangunahan ni Marna Pabillore, ang 2005 at 2009 SEA Games gold medalist at 2006 Asian Games silver medallist at Lutche Metante, ang 2009 SEA Games silver medallist at Athletics Commission official ng kanilang full support kay Go sa Friday’s SCOOP Forum sa Kamayan, Padre Faura sa Manila.

“We will continue to train for the SEA (Southeast Asian) Games and we will not allow the leadership problem to affect us,” sabi ni Metante. “Full support kami kay President Go Teng Kok,” na una ng sinabi ni Pabillore na kasama din sa sumaksi at lumahok sa matagumpay na pagdaraos nitong Sabado na PKF general assembly at executive council.

Ang iba pang national athletes na nagbigay ng full support sa liderato ni Go ay sina Rolando Lagman Jr. (2009 SEA Games silver medallist), Ireneo Toribio (2007 SEA Games silver medallist), Joel Gonzaga (2009 SEA Games bronze medallist), Michael Dumayag (2009 SEA Games bronze medallist), Ace Eso (2009 SEA Games silver medallist), Gierby Lacorte (training pool), Raymund Mejico (training pool), at Renato Manalo (training pool).

Isiniwalat din ni Go ang pagdaraos ng National Open sa Mayo 18 hanggang 22 sa Cagayan de Oro City bilang parte ng national training program at maka tap ng new fresh talent na makakatulong sa bansa sa 26th Southeast Asian Games sa November 11 hanggang 25 sa Indonesia. Liberty Icao

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply