Planong pagpapadala ng rescue team sa Japan kinontra ni Sen. Sotto

KINONTRA Biyernes, Marso 18, ni Senate Majority Leader Vicente Sotto ang plano ng gobyerno na magpadala ng rescue team sa bansang Japan bilang bilang pagpapakita ng pakikiramay matapos itong tamaan ng trahedya.

Ayon sa senador, hindi kailangan ng Japan ang tulong ng mga Pinoy at lilitaw na pumapapel lamang ang Pilipinas.

Binigyang-diin ni Sotto, sa halip na pagpapadala ng mga rescue team ang inaatupag ng pamahalaan, mas mainam umanong unahing asikasuhin nito ang mga Pinoy na naiipit doon.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Gregorio Honasan na mas maganda kung magpapadala ng mga rescue team sa Japan pero kailangang tiyakin ng mga ito na self-sufficient ang grupong pupunta doon.

Ayon sa senador, bukod umano sa malamig na panahon, kapos sa pagkain, gasoline at ibang pangangailangan ang mga lugar sa Japan na tinamaan ng sakuna.

Pabor din si Sen. Francis Escudero sa plano ng pamahalaan na magpadala ng mga rescue team sa Japan kahit pa wala itong go-signal sa pagsasabing mas mahalaga na nag-alok at handang tumulong ang Pilipinas. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply