Plunder case ng Chingkoes’ ibinasura ng Sandiganbayan

DAHIL sa kawalan ng sapat na batayan ay ibinasura ng Sandiganbayan First Division ang kasong plunder na isinampa ng Ombudsman kay dating finance official at textile traders Faustino at Gloria “Eng Eng” Chan Chingkoe.

Sa 8 pahinang resolusyon, bigo ang Ombudsman prosecutors na mapatunayan na ang naturang public officers ay yumaman ng P50 milyon mula sa transaksiyong may kinalaman sa 28 tax credit certificates (TCCs) na naipalabas sa kumpanyang pagmamay-ari ng mga Chingkoe, ang  Filstar Textile Industrial Corporation mula 1994 hangang  1997.

“The crucial link establishing that the public officers charged herein were given by Filstar or the spouses Chingkoe any amounts generated by the TCC assignment or conversion into monetary value remains missing,”batay pa sa resolusyon ng  Sandiganbayan.

Kasama sa mga kinasuhan ay sina dating Finance Undersecretary Antonio Belicena, executive director/administrator ng One-Stop Shop Inter-Agency Tax Credit and Duty Drawback Center (Center) na nag-isyu ng P73.76 milyon halaga ng  tax credit certificates sa Filstar.

Kasama rin sa kinasuhan sina Center deputy director Uldarico Andutan Jr., TCC reviewer Asuncion Magdaet, tax specialist I Rowena Malonzo, Filstar corporate secretary Grace Chingkoe, at Filstar representative Catalina Aranas Bautista.

Dahil sa pagbasura sa kasong ito, tinanggal na ng Sandiganbayan ang warrant of arrest na naipalabas laban sa kanila kamakailan.

Sa mga nabanggit na akusado, tanging si Andutan lamang ang napiit at kasalukuyang nasa QC jail.

Sina  Chingkoe  na may dual citizenship ay sinasabing lumabas na ng bansa at ang iba naman ay nagtatago nang magpalabas ng arrest warrant ang Sandigan. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply