PMA official itinumba

PATAY ang isang opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin Baguio City gabi ng Huwebes, Marso 3.

Ayon sa isang radio report, nasawi si Philippine Air Force Lt. Col. Ferdinand Macasaet, pinuno ng PMA’s Department of Air Warfare, makaraang barilin malapit mismo sa kanyang tahanan sa Pinesvill Subdivision, Brgy. Kias ng salarin.

Nabatid na nagmamaneho si Macasaet ng kanyang Mitsubishi Montero nang maganap ang insidente.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na agad namang namatay.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan hinggil sa motibo at pagkakakilanlan ng gunman. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply