PMA topnotcher idinepensa ang AFP

SA KABILA ng kontrobersyang kinasasangkutan ng mga pangunahing opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa isyu ng pabaon at pasalubong sa mga nagreretirong AFP chief, idinipensa ng topnotcher ng Philippine Military Academy (PMA) ang kanilang organisasyon.

Sa Valedictory Address ni Cadet 1st Class Angelo Edward Paras, kanyang sinabi na hindi dapat madamay ang buong miyembro ng kanyang papasukang organisasyon dahil lamang sa pagkakamali ng isa.

“Huwag nating husgahan ang akademya dahil lamang sa ginawa ng iisang tao. Today, we are ready to report to the Filipino people. Narito po ngayon ang inyong mga kawal.. handang magsilbi sa taong bayan,” bahagi ng pahayag ni Paras, 21, ng San Juan, Apalit, Pampanga, na papasok sa Philippine Navy bilang ensign.

Kasabay nito, tiniyak ng Top 1 PMA graduate ang kahandaan nilang mga bagong kasapi ng Sandatahang Lakas sa kahaharaping pagsubok kung sasabak na sila sa tunay na laban ng buhay.

Nanumpa rin ang mga nagsipagtapos sa PMA para sa kanilang mga gagampanang tungkulin sa bansa. Pormal na rin silang kinilala ng akademya bilang alumni.

Sa nasabing batch, pumangalawa si Cdt 1st Class John Regor Liang mula sa Del Pilar, Venas, Zamboanga Del Norte; sinundan nina Cdt 1st Class Jason Cortez Luna, 23, taga Enrile, Cagayan; Cdt 1st Class Algae Cabrega Denio ng Munting Mapino, Naeg, Cavite; Cdt 1st Class Regor Narag Pamittan ng Tuguegarao City; Cdt 1st Class Janice Baniaga Matbagan ng Purok 1, 138 Puliwes, Kennon Road, Baguio City; Cdt 1st Class  Bobby Gabayno ng New Francis St. Village, Cainta. Rizal; Cdt 1st Class Ramon Christopher Ganab Ingay ng Lallayog, Tuao, Cagayan; Norman Avila Carual ng Tabaco City, Albay At ang No. 10 naman ay si Cdt 1st Class Jason Fabros Farinas ng Brgy. Rizal Science City of Munoz , Nueva Ecija. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply