PNoy aalukin si Heidi ng pamumuno sa COA

DESIDIDO si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na italagang commissioner ng Commission on Audit (COA) si dating auditor Heidi Mendoza, ang whistle-blower ng multi-milyon-pisong “pabaon/pasalubong” scam sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pormal umano niyang iaalok kay Mendoza ang naturang posisyon pagbalik niya mula sa Singapore. Nakatakdang bumalik ang Pangulo sa Pilipinas ngayon, Biyernes, Marso 11.

“Pagbalik niya, palagay ko, as a minimum, she will be a COA commissioner,” ayon kay Pangulong  Aquino.

Nang una umano niyang nabanggit kay Mendoza ang nasabing posibilidad ay sinabi nitong kukunsultahin muna ang kanyang pamilya.

Nadala na umano ito nang hindi sabihin sa kanyang pamilya ang ginawa niyang pagtestigo sa anomalya sa AFP. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply