PNoy at tsuwariwaps nito inutil na, nananakot pa

DAHIL sa gulo sa Libya, ngayon pa lang ay pinangangambahan na ang pagbabalik ng presyo noong 1998 na $140 kada bariles ng langis.

Nagbunga ito noon ng nasa P60 kada litro ng gasolina at nasa P50 kada litro naman ng disel.

Tiyak namang magkakaloko-loko ang ekonomiya ni Juan sa problemang ito. Pangunahing matatamaan ang mga nagpapagalaw ng ekonomiya gaya ng mga motorista na kinabibilangan ng pablik transportasyon at trucking.

In pak, umaaray na ang mga drayber at operator ng mga traysikel, dyipni, bus at taksi. Panay na rin ang aray ang mga nasa trucking ng mga pagkain, materyales sa bahay, pabrika at iba pa.

Tiyak na susunod na aangal ang mga may eroplano at barko.

Hirap na rin ang mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng mga makina sa pagsasaka at pandaragat.

oOo

Dahil ang mga nabanggit ang bumubuhay sa lahat, maging ang pamahalaan, dapat sanang isaksak ni PNoy at kanyang mga tsuwariwap sa kanilang kukote na pangalagaan ang mga ito.

Pero ang lumalabas, eh, ang mga kompanyang langis pa ang maliwanag na pinapaboran ng mga onorabol.

Tingnan ninyo, umiiyak na si Juan at hinihiling na silipin ang oil deregulation law at i-audit ang mga kompanya ng langis pero dedma lang ang mga ito.

Sa amyenda sa Oil Deregulation Law lamang, hinihiling na pagbabaliin ang pakpak ng mga kompanyang langis na walang ginawa kundi magtaas ng presyo ng petrolyo. Sa audit ay malalaman ang kaswitikang pinaggagawa ng mga ito sa presyo.

Sa halip, kahit walang krisis sa suplay, isinusulong na nina PNoy ang pagrarasyon ng petrolyo. Tinatakot pa nila si Juan sa pagsasabing magkakaroon ng krisis sa suplay samantalang ang problema ay krisis sa presyo. –Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply