PNoy ginawaran ng Honorary Degree sa Indonesia

NAGKAMIT ng honorary degree si President Benigno S. Aquino III.

Ito ay matapos mabigyan siya ng honorary doctorate of law ng Universitas Pelita Harapan (UPH) ng bansang Indonesia.

Iginawad ang naturang parangal kay Pnoy dahil sa pagkikila nila dito bilang tagasulong ng karapatang pantao, tunay hustisya, at mahusay at matapat ng pamamahala sa gobyerno.

Nagpasalamat ang Pangulo sa kanyang kauna-unahang honorary degree at nakamit pa niya ito sa ibang bansa.

Pinasalamatan ni Pres. Aquino ang lahat ng bumubuo sa naturang unibersidad.

“I thank you therefore for conferring this degree upon me. For the next time, anybody attempts to lecture me on the law, I will tell them ‘Unless you have a doctorate, please do not presume to teach me,’”, bahagi ng kanyang talumpati sa pagtanggap ng naturang parangal. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply