PNoy kinontra sa pagpapaliban ng ARMM election

KINONTRA ng mahigpit na kaalyado si Pangulong Benigno Aquino III sa umano ay iligal na panukalang pagpapaliban sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections sa Agosto.

Ani Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero, magiging epektibo at katanggap-tanggap lamang ang pagpapaliban sa halalan sa ARMM kung magkakaroon ng plebisito na ipinatawag para dito.

Tinutulan ni Escudero ang panukala ni Pangulong Aquino sa Kongreso na maisabatas ang pagpapaliban sa ARMM election kabilang ang pagtatalaga ng officer-in-charge (OIC) sa regional government na magsisilbi hanggang 2013.

“Sa aking opinyon, pag-aamyenda sa ARMM Organic Law ang panukalang ipagpapaliban ang halalan sa ARMM kabilang ang pagtatalaga ng OIC na nangangailangan ng 2/3 votes ng Kongreso sa dalawang kapulungan na bomoboto nang hiwalay. Sa isang plebisito, na direktang lalahok ang mamamayan. Isa itong sagradong pagkilos na tumutukoy o gumagawa ng isang panlipunang kontrata tuald ng ARMM,” paliwanag ni Escudero.

Anuman ang pagbabago o amyenda sa Republic Act 9054 o ang ARMM Organic Law, mahigpit na kinakailangan ang botong 2/3 ng Kongreso na bomoboto nang hiwalay. Kung mayorya naman ang bomoto sa plebisito, naisuko na ang resulta na itinatadhan sa ilalim ng Section 1 at 3, Artikulo XVII ng RA 9054.

Sinertipikahan ng Palasyo ang isang agarang lehislasyon na naglalayong ipagpaliban ang ARMM election upang makapaglagay ng reporma at isabay ito sa 2013 mid-term election.

“The only way to achieve lasting peace is by following the basic rudiments of democracy and due process. “Let the people of ARMM decide for themselves who they want to choose as their leaders. They know who is good for them,” giit pa ng senador. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply