PNoy nagbigay ng marching order sa LP solons para sa impeachment vs Gutierrez

NAGKASUNDO ang 59 mambabatas na dumalo sa caucus ng Liberal Party Lunes ng umaga, Marso 7, sa Balay sa Cubao na suportahan ang impeachment complaints laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Inamin din ni House Deputy Speaker Erin Tanada na nagbigay na ng marching order si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III sa Liberal Party na suportahan ang impeachment.

Sinabi ni Tanada na nagsalita umano ang Pangulo sa buwanang pulong ng mga LP leaders kung saan iginiit nito na hindi magtatagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian habang nananatili sa puwesto si Gutierrez.

Matapos magsalita si PNoy ay tumayo si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento at nag-mosyon na suportahan ang impeachment laban kay Gutierrez.

Agad naman itong sinegundahan ni Bulacan Rep. Jonjon Mendoza at walang miyembro na dumalo sa pulong ang tumutol.

Nasa 59 na LP congressmen ang dumalo maliban pa sa mga mayors, governors at cabinet members.

Tinatayang aabot sa 150 ang nakatakdang bomoto sa plenaryo pabor sa impeachment.

Samantala, mariing itinanggi ni House Speaker Feliciano Belmonte na sinusuportahan niya si Gutierrez. Sinagot niya lamang aniya ang isang tanong ng mamamahayag kung hihikayatin niya ang Ombudsman na dumalo sa pagdinig ng Kamara.

“Taken completely out of context. That’s simply saying I’m not advising her on what to do.  She should look out for her own interest,” sinabi pa ni Belmonte. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply