PNoy nagtungo sa Negros Occidental

NAGTUNGO ang Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, Biyernes ng umaga, Marso 4 sa Negros Occidental para dumalo sa Philippine Economic Briefing at pagpapasinaya sa extension ng isang ospital.

Nang dumatin ang Pangulo sa New Bacolod Silay Airport kanina ay sinalubong siya ni Daniel Lacson, chairman ng Government Service Insurance System (GSIS) at ilang matalik na kaibigan ng pamilya Aquino.

Unang pinuntahan ni PNoy ang Teresita Jalandoni Provincial Hospital sa Silay City kung saan pangungunahan niya ground-breaking ceremony ng extension nito.

Pagkatapos nito ay magtutungo si Aquino sa L’ Fisher Hotel para sa Philippine Economic Briefing na dadaluhan ng ilang miyembro ng Gabinete.

Ayon din sa report, inaasahang bago lumuwas ng Maynila ang Pangulo ay bibisita muna siya sa Carmelite Monastery na malapit sa puso ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang namayapang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply