PNoy nauna sa ‘Impeach Merci’ report

INAMIN ni Sen. Teofisto Guingona III na nagpadala ng kopya ang Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa inimbestigahang anomalya sa Armed Forces of the Philippines  (AFP) na nagrerekomendang patalsikin si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Malakanyang.

Sa panayam nitong Martes, Marso 15, sinabi ni Guingona na walang masama dito, bagama’t di umano siya tiyak kung ito ay pangkaraniwang ginagawa ng Senado.

“I am not aware if it is a common practice in the Senate,” giit pa niya.

“We sent it by email,” tugon ni Guingona kung paano ipinadala sa Palasyo ang kopya ng tinaguriang “Impeach Merci Report.” “I voluntarily gave it.”

Aniya, kinailangan niyang ipadala ang ulat dahil may may rekomendasyon sa loob nito na dapat bigyan ng hakbang ng Palasyo.

Sinabi ng chairman ng Blue Ribbon Committee na nagdesisyon siyang ito ang gawin, “so that they can study it.”

Ipinagtanggol pa ni Guingona na judgment call niya ang pagpapadala ng kopya kay Pangulong Benigno Aquino dahil maraming gustong kumuha ng kopya upang makatulong sa Palasyo sa isasagawa nitong imbestigasyon sa naturang katiwalian.

Nakatakdang isampa sa Huwebes, Marso 16, ang orihinal na kopya ng committee report sa Bills and Index Division ng Senado upang tuluyang ikalendaryo upang pagdebatehan sa plenaryo ang nilalaman ng report.

Aniya, ihahain sana nitong Martes ang kopya sa Bills and Index, ngunit hinilng ni Sen. Edgardo Angara na ipagpabukas na upang masusi nitong mapag-aralan ang nilalaman ng Impeached Merci report.

“The report will be submitted tomorrow and I am just waiting for Senator Angara, who requested not to file it today, tomorrow it will be filed with the Bills and Index,” aniya.

Sinabi pa ni Guingona na walang isyu sa pagpapadala niya ng kopya sa Palasyo, bagkus dapat umanong suriing mabuti ng mga kritiko ang tunay na isyung lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon sa plea bargaining agreement ni Garcia.

“Anyway,  I would like to say that again what ever issues are cropping up, let’s bring it back to the issue na, “Sino ba ang nagpahina ng kaso? Sino ba ang nagpagulo ng kaso? Sino ang nagpalusot kay Gen. Carlos Garcia?” giit ni Guingona.Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply