PNoy pinabaunan ng batikos ukol sa pagtaas ng mga presyo

PINABAUNAN ng batikos ng isang militanteng grupo si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, na patungo sa bansang Indonesia para sa isang state visit, ukol sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Kaugnay nito ay muling nanawagan si Bayan Rep. Neri Javier Colmenares sa administrasyong Aquino na umaksyon upang masawata ang sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Itong Lunes, Marso 7, ay tataaas ng halaga ng pandesal na inanunsyo ni Trade Undersecretary Zenaida Malaya.

Madaragdagan nanaman ng P2 ang presyo ng loaf bread, na ang presyo ay aabot sa P42-P57.

Hinamon din ni Renato Reyes, secretary-general ng Bayan, ang gobyerno na gumawa ng paraan upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng produktong langis at mga bilihin. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply