PNoy sa new PNPA graduates: Umiwas sa tukso

UMIWAS sa tukso.

Ito ang mahigpit na tagubilin Sabado, Marso 26, ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III sa may 260 na nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Castaneda, sa Silang Cavite na pinangunahan ng mga babeng kadete na nag-monopolya sa top 10 list.

Ayon sa mensahe ng pangulo sa ginanap na commencement exercises ng PNPA “Mamamayang Sasabak sa Lipunang Ganap” o Masaligan Class of 2011, higit na na mas maraming pagsubok ang kakaharapin ng mga kadete paglabas nila sa PNPA at magsimulang manungkulan bilang mga police officers.

Subalit nagging tampok sa pagtatapos ng mga bagong Police Inspector ang pangunguna ng pitong kababaihang kadete sa top ten  ng 260 cadets graduates .

Nangunguna sa listahan ng mga nagsipagtapos ang 22-anyos na si Aleli Buaquen mula sa Baguio City at sinundan pa ng dalwang babaeng kadete na sina Beverlie Allapitan ng Isabela (2nd) at Cherifer Bayaga mulasa Aurora (3rd).

Kabilang pa sa top 10 sina  Joy Anne Creus ng Cavite (5th), Ma. Carizza Matel ng Cavite (8th), Catherine Cas mula sa lalawigan ng Albay (9th) at  Rowena Solano ng  Palawan (10th).

Sa kanyang tagubilin, sinabi pa ng  Pangulo, wala binatbat ang mga teorya at mga pinagdaanang pahirap ng mga kadete sa mga pagsubok na susuungin nila sa pagpapatupad ng tungkulin.

Mariing tinuran ni Aquino na hindi mawawala na may mag-aalok sa kanila ng pera at kapangyarihan kapalit ng paninindigan kaya umaasa ang commander-in-chief na hindi magpapatukso ang mga miyembro ng Masaligan Class.

Umaasa rin ang Pangulo na magiging kasangga nito ang bagong PNPA graduates sa paglilibing sa bulok na kalakaran kung saan 219 sa mga nagsipagtapos ay tiyak ng sasapi sa Philippine National Police habang 15 naman sa kanila ay maitatalaga sa Bureau of Jail Management and  Penology  at ang nalalabing 26 ay mapupunta sa Bureau of Fire and Protection.Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply