PNoy sinopla ni Marcos sa pagpapaliban ng ARMM elections

SINALUNGAT ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukala ni Pangulong Benigno Aquino III na pinagkasunduan ng Legislative-Executive Development advisory Council (LEDAC) na ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).

Sa panayam, sinabi ni Marcos na nagsasabi ang ilang opisyal ng ARMM kabilang ang ilang gobernador at miyembro ng regional council na gusto nilang magkaroon ng halalan at kung wala, hindi kikilalanin ng lokal kung sinuman ang itatalagang opisyal kapalit ng incumbent officers.

“Many of our friends from ARMM both the congressman, at dalawang gobernador na nakausap ko na they are making their sentiments and opinions known that it is their preference of most of the political leaders in ARMM that there be an election,” giit ni Marcos.

Aniya, idinadaing ng mga lokal na opisyal na lubhang napakatagal ng pagpapaliban sa 2013 bagkus mas papayag silang gawin ang eleksiyon ilang linggo lamang sa itinakdang panahon upang maayos ng Commission on Election (Comelec) ang lahat ng pangangailangan ng ahensiya.

“If there is a postponement, let  the postponement be for just  maybe a few  week at the most for  few months.  Ayaw naman nilang magpa-holdover. Handa naman silang  magkaroon ng halalan,” paliwanag ni Marcos.

Aniya, kung siya mismo ang masusunod, bibigyan niya ng pagkakataon ang halalan upang magkaroon ng sariwang opisyal at ipagpaliban lamang ito sa loob ng ilang linggo upang magkaroon ng sapat na panahon ang Comelec na gawin ang dapat nitong gawin.

Ibinabala pa ni Marcos na kung ipagpupumilit ni Aquino sa Kongreso na ipagpaliban ang halalan sa ARMM, mas magkakaroon ng kaguluhan sa lugar dahil nagbanta ang ilang lokal na opisyal na hindi kikilalanin ang sinumang itatalaga ng Palasyo bilang OIC sa ARMM.

“So must line the compromise arrangement where the political leaders of ARMM still have that mandate  so that they will able to  go to the people  and present the initiative and  that leadership  will not be questioned,” patapos ni Marcos. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply